"Maging handa upang maging ligtas,
Ang responsibilidad na sa iyo'y iniaatas."
Ang kahulugan ng slogan na ito ay ang pagiging responsable ng bawat tao. Sa panahon ngayon maraming kalamidad ang dumaragsa. Ang halimbawa nito ay mga lindol, aftershocks, pagbaha, landslide at iba pa. Mga natural na kalamidad na hindi maiiwasan ng mga tao na mangyari. Kailangan lamang natin magkaroon ng kompyansa sa sarili at sumunod upang hindi tayo mapahamak, isang palatandaan ng pagiging responsableng mamamayan.