Isa sa mga halimbawa ng tulang panudyo/ awiting panudyo o tugmang de gulong ay ang sumusunod:
Chit Chirit Chit
Chitchiritchit alibangbang
Salaginto salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang
Santo Niño sa Pandacan,
Puto seco sa tindahan
Kung ayaw kang magpautang
Uubusin ka ng langgam.
Mama, Mama, namamangka
Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynila Ipagpalit ng manika.
Ale, ale namamayong
Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.