Sa mga
Ifugao, si Mak-no-ngan ang pinakadakilang dios sa lahat. Siya ang
pinaniniwalaang tagalikha ng daigdig/mundo at tahanan ng mga nasawi. Nang matapos
likhain ang mundo ni Mak-no-ngan, ginawa niya si Uvigan ayon sa kanyang imahe.
Si Uvigan ang pinakaunang tao sa mundo.Ibinigay ni Mak-no-ngan ang buong
daigdig kay Uvigan upang tamasin ngunit, nakita niya ang kalungkutang bakas sa
mukha ni Uvigan, kaya naman, nilikha niya si Bugan. Sa loob ng maraming taon,
nagsama sina Uvigan at Bugan na masaya at payapa.