Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng maraming kaalaman. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Ano ang nakasaad sa "Golden Rule"? Sino ang nagtatag nito?

Sagot :

Answer:

Golden Rule

Ang nakasaad sa Golden Rule ay "Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa'yo" , ito ay nakalathala sa Bibliya at itinuturo ng maraming relihiyon at pilosopiya..

Ibig sabihin ng Golden Rule na ito ay ang hindi paggawa sa kapwa ng mga bagay na ayaw mo rin nilang gawin o ibalik sa'yo. Kung hindi mo gustong gawan ka ng masama ng iyong kapwa, huwag mo ring subukan o naisin na gawin ito sa kanila. Kung makakagawa ka man ng mali o kasalanan sa iyong kapwa, huwag mong isiping kabutihan ang ibabalik sa iyo, kung nakagawa ka man ng kamalian dapat handa ka rin sa magiging kaparusahan. Sa panahon ngayon, hindi maiiwasan na may mga taong mapagsamantala rin sa kapwa, ginugusto nilang gumanti kaysa ang magpatawad.

Sa paggawa ng kabutihan sa kapwa at sa ibang tao, makakaramdam tayo ng maayos at mapayapang kalooban. Mararamdaman natin ang kasiyahan at kagalakan sapagkat nakagawa tayo ng tama para sa kanila. Kaya nga dapat palaging piliing ang tama at mabuti kaysa sa mali.

Ang pagiging matulungin ay isang katangian na dapat taglayin ng bawat isa. Ang pagtulong sa kapwa ay hindi dapat pinipilit bagkus ito ay bukal sa loob o kusang loob. Maraming pwedeng gawin para maipakita ang ating pagiging matulungin sa ating kapwa.

Ang pagtulong at pagmamalasakit sa kapwa ay hindi dapat naghihintay ng kapalit dahil kusa mong loob na ginawa ito, at bukal sa loob mo ang pag-aalay ng pagtulong sa iyong kapwa. Kaya kapag ikaw ay tumutulong sa isang tao, nararapat na huwag ng maghihintay pa ng anumang kapalit sapagkat sa ginawa mo pa lang na pagtulong, may kapalit na ang iyong ginawang kabutihan at ito ay ang kinalugdan at kinatuwaan ka ng Diyos.

Kaya't gawin mo sa iyong kapwa ang nais mong gawin din sa iyo.

Para sa karagdagan pang kaalaman, magtungo sa link na:  

Kahalagahan ng pagtulong sa kapwa: brainly.ph/question/2078566 , brainly.ph/question/516149

#LetsStudy