Suriin ang IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang paksa. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.
Answer:
Ang awiting panudyo ay tinatawag din bilang tugmang panudyo. Ito ay isang uri ng akdang patula o pakanta na ang pangunahing layunin ay manudyo o mang uyam. Ito ay nagtataglay ng sukat at tugma.
Narito ang ilang halimbawa ng awiting panudyo:
1. Bata, bata
Pantay-lupa
Asawa ng palaka
2. Chitchiritchit alibangbang
Salaginto Salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang.
Santo Nino sa Pandacan,
Puto seco sa tindahan
Kung ayaw kang magpautang
Uubusin ka ng langgam.
Mama, Mama, namamangka
Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynnila
Ipagpalit ng manika.
Ale, Ale, namamayong
Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.
3. Pedro Penduko
Matakaw ng tuyo
Nang ayaw maligo
Pinukpok ng tabo
Para sa halimbawa pa, bisitahin ang link:
https://brainly.ph/question/1956437
#BetterWithBrainly