Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at maaasahang mga solusyon. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Buod ng Parabula ng Banga
”Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa,”
“Ikaw ay nararapat na makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga.”ito ang tumatak sa isipan ng isang banga dahil ito ang paulit-ulit na pangaral ng kanyang ina. Isang araw ay nakakita sya ng ibang uri ng banga. Ang mga bangang ito ay ang eleganteng bangang porselana, bangang metal na makintab at mga babasaging banga. Kahit tanggap ng banga na sila ay magkakaiba, hindi parin nito lubos maunawaan kung bakit hindi siya maaaring makisalamuha sa ibang banga.
Isang araw ay inimbitahan siya ng napakakisig na porselanang banga na maligo sa lawa. Naakit siya sa makisig na porselanang banga at nanahig sa kanya ang paniniwala nya na ang lahat ng banga ay pantay-pantay.
Sila ay lumundag sa lawa na lumikha ng malaking alon at napakalakas na tunog. Nasarapan sila at naginhawahan sa malamig na tubig ngunit tinangay ang porselanang banga papalapit sa kanya at bigla silang nagbanggaan nang malakas.
Ang bangang gawa sa lupa ay nagkalamat dahil sa malakas na banggaan nila. Samantalang ang porselanang banga naman ay buo parin na parang walang nangyari. Naalala ng bangang lupa ang kaniyang ina habang siya’y nabibitak at lumulubog sa ilalim ng tubig.
Mga aral na napulot sa kwento
1. Sundin lagi ang utos at pangaral ng ating mga magulang, sapagkat alam nila ang makakabuti para sa atin.
2. Huwag tumigin sa pisikal na anyo.
3. Huwag magpadalus-dalos sa mga desisyong gagawin.
4. Isiping mabuti kung ang mga pinakikisamahan ba natin ay magdudulot sa atin ng kabutihan o kasamaan.
Ano ang Parabula?
- ang salitang parabula ay nagmula sa salitang Griyego “parabole” na ang ibig sabihin ay pagkukumpara. Ito ay kwento na hango sa Bibliya.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa parabula, maaaring magpunta sa link na ito: Ano ang mga katangian ng parabula?: https://brainly.ph/question/169892
Kahalagahan ng Parabula
Mahalaga ang Parabula sapagkat ito ay nagbibigay ng mga magagandang aral na magagamit natin sa ating araw-araw na pamumuhay. Ito ay nagsisilbing gabay sa paggawa natin ng mga desisyon sa ating buhay. Ang parabula din ay tumutulong sa atin upang tayo ay makapag-isip o gumawa ng tama sa ating kapwa.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kahalagahan ng pabula, maaaring magpunta sa link na ito: Paano nakakatulong ang parabula sa pagtahak sa matuwid na landas ng buhay? https://brainly.ph/question/1575361
Iba pang halimbawa ng Parabula
- Ang Lagalag na Anak
- Ang Mabuting Samaritano
- Ang Publiko at ang Pariseo
- Ang Alibughang Anak
- Ang Mayaman at si Lazaro
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Ano ang elemento ng parabula: https://brainly.ph/question/382879
Ang iyong kontribusyon ay mahalaga sa amin. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.