Ayon sa natuklasan ng mga arkeologo, nagsimulang mananampalataya sa kanilang mga diyos at diyosa ang mga Asyano. Ang relihiyon, tulad ng sining, ang nagbigay kahulugan ng mga Asyano upang magkaroon ng kahulugan sa buhay sa kabila ng mga mapapait at paghihirap na nararanasan nila sa buhay. Hinduismo ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig na pangunahing relihiyon ng India. Ang Budismo, Islam, Kristyanismo, at Judaismo ay ilan lamang sa mga relihiyon ng Asya.