IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw at konkritong sagot. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

Ano ang kahulugan ng emosyon at ang mga uri nito?

Sagot :

Answer:

Kahulugan at Uri ng Emosyon

Ano ang emosyon?

Ang emosyon ay tumutukoy sa damdamin ng tao. Ito ay ginagamit sa pakikipagkomunikasyon at pakikipag-unawaan sa kapwa. Gamit ang emosyon ay mas naihahatid natin sa iba ang ating nararamdaman. Ito ay hindi basta basta nakokontrol o napamamahalaan. Maaaring magdulot ang ibang emosyon ng suliranin o hindi pagkakaunaawaan sa kapwa, ngunit kung ang tao ay may sapat na kaalaman sa maaaring kahinatnan ng kanyang emosyon ay maiiwasan ang mga ganoong sitwasyon.

Ano ang mga uri ng emosyon?

Ang emosyon ay may apat na uri. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Pandama (Sensory Feelings)

Ang mga emosyon na ito ay tumutukoy sa limang damdaming pisikal o panlabas na nakapagdudulot ng panandaliang kasiyahan o paghihirap sa tao.

2. Kalagayan ng Damdamin (Feelings State)

Ito naman ay may kaugnayan sa kasalukuyang kalagayan ng nararamdaman ng tao.

3. Sikikong Damdamin (Psychical Feelings)

Ito ay tumutukoy sa pagtugon ng tao sa mga bagay sa kanyang paligid. Ito ay naiimpluwensiyahan ng kasalukuyang kalagayan ng kanyang damdamin.

4. Ispiritwal na Damdamin (Spiritual Feelings)

Ang mga emosyong ito ay tumutukoy sa paghubog ng pagpapahalaga sa kabanalan.

Halimbawa ng emosyon:

https://brainly.ph/question/20883

https://brainly.ph/question/1994276

Kalikasan ng emosyon:

https://brainly.ph/question/2135027

#BetterWithBrainly