Sagot :

ng kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ngmangongolonya. Ang kolonyalismo ay madalas na naihahalintulad sa Imperyalismo ngunit ang dalawa ay mayroong pagkakaiba."Maaaring magsilbing baseng pangkalakal o pangmilitar ang kolonya".[1] Mayroon din itong gamit sa paglalakbay ng mga tao sa ating bayan at ang Ang Imperyalismo ay isang patakaran o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng ibang mga bansa. Ilang malalaki o malalakas na mga bansang ang kumukontrol sa ibang mga rehiyon upang makalikha ng isang mas malaking imperyo.Isang halimbawa ng imperyalismo ay ang kung kailang nilulusob at sinasakop ng mga bansa o namirmihan sa mga lupain sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga kolonya. Noong mga dekada ng 1700 at 1800, ginamit ngImperyong Britaniko ang patakaran ng imperyalimso upang matabanan ang malalaking mga teritoryong katulad ng Australia at Canada.
Imperyalismo- pagpapalawig at pagpapalakas ng kapangyarihan ng isang bansa sa pamamagitan ng pananakop,pakikipagkalakalan,panggigipit at iba pang pamamaraan upang maisakatuparan ang isang layunin.. Kolonayalismo- ang pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.