Ang Mycenae o Misenas (Griyego: Μυκῆναι Mykēnai o Μυκήνη Mykēnē; Kastila: Micenas) ay isang lugar na pang-arkeolohiya sa Gresya, na tinatayang nasa 90 km timog-kanluran ng Athens, sa loob ng hilaga-silangan ng Peloponnese. Ang Argos ay 11 km papunta sa timog; ang Corinth, 48 km pakanluran. Mula sa burol na kinalalagyan ng palasyo, matatanaw ang kahabaan mula sa Argolid hanggang sa Tangway na Saroniko.
Noong ika-2 milenyong BC, ang Mycenae ay isa sa pangunahing mga
sentro ng kabihasnang Griyego, isang matibay na tanggulang pangmilitar
(kuta) na nangibabaw sa katimugang Gresya. Ang kapanahunan ng kasaysayan ng Gresya magmula sa tinatayang 1600 BC magpahanggang sa 1100 BC ay tinatawag na Gresyang Miseno bilang pagtukoy sa Mycenae.
Sila ang pumalit sa kalinangang Minoano.