Gawain 5: Tama o Mali Batay sa tekstong nabasa mo sa itaas, isulat ang Tama kung totoo ang nilalaman ng pangungusap at Mali kung hindi. Isulat ito sa sagutang papel. 1. Lahat ng pangyayari sa anekdota ay totoong nangyari sa taong paksa nito. 2. Ang anekdota ay kagaya ng isang nobela na may kahabaan at nagtataglay ng maraming tauhan. 3. Ang isinasalaysay sa mga anekdota ay isang makatawag-pansin o nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao. 4. Kadalasan ay mga ordinaryong tao ang paksa o tauhan sa mga anekdota. 5. Ang anekdota ay nabibilang sa mga akdang patula. 6. Puwedeng gamitin bilang panimula ng isang sanaysay ang anekdota. 7. Ginagamit din sa pagtatalumpati ang anekdota at madalas ay isinasalaysay ito sa unahan o hulihan ng talumpati . 8. Ang anekdota ay nag-iiwan ng mahalagang kaisipan o aral. 9. Maaaring personal na pangyayari sa buhay ng manunulat o mananalumpati ang nilalaman ng anekdota. 10. Kinakailangang mga malalalim lamang na salita ang gamitin sa pagsulat ng anekdota o