IDNStudy.com, ang perpektong platform para magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Tumutukoy sa katayuang biyolohikal o kasarian ng tao katulad ng lalaki, babae o intersex.
a. gender
b. sex
c. sex chromosomes
d. gonad

2. Tumutukoy ito sa mga gampanin o tungkulin base sa kasarian ng isang tao maging lalaki o babae.
a. gender role
b. gender identity
c. gender equality
d. gender sensitivity

3. Ang ________ay ugali na sumasang- ayon at katanggap tanggap sa paniniwala at kultura ng isang grupo, pamayanan o lipunan.
a. gender normative
b. gender nonconformity
c. gender equality
d. gender sensitivity

4. Ito ay tumutukoy sa personal na pagkakakilanlan ng isang tao sa kanyang sarili bilang lalaki o babae.
a. sex
b. gender role
c. gender sensitivity
d. gender identity

5. Ito ay malasinulid na bahagi ng DNA na nagdadala ng mga katangian ng isang tao.
a. obaryo
b. reproductive organ
c. sex chromosomes
d. sperm cells

6. Alin sa mga sumusunod ang tamang gawin ng batang katutuli pa lamang?
a. kumain ng malalansang pagkain
b. palitan ang ballot o baru- baruan araw- araw
c. maghugas ng ari tuwing magpapalit ng napkin o pasador
d. magsuot ng mga masisikip na shorts

7. Ang mga sumusunod ay mga salik na nakaaapekto sa gender identity maliban sa _________?
a. paaralan
b. pamilya
c. media
d. pangarap

8. Ito ay isang uri ng sakit na nakukuha sa pakikipagtalik.
a. sexually transmitted disease
b. amoebiasis
c. fever and flue
d. Covid 19

9. Tuwing kailan dapat magpalit ng napkin o pasador ang isang batang babae na may buwanang dalaw o regla?
a. tuwing ikatlo o ika-apat na oras o kung kinakailangan
b. tuwing isang lingo lamang
c. isang beses sa isang araw
d. tuwing gabi lamang bago matulog

10. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng maaga at di- inaasahang pagbubuntis?
a. aborsyon
b. premature birth
c. sex related na sakit
d. lahat ng nabanggit

11. Bakit kinakailangang komunsulta sa mga eksperto ang mga batang nagdadalaga at nagbibinata kagaya mo?
a. upang mangalap ng tsismis
b. upang makagala sa hospital
c. upang higit na mapangalagaan ang sarili
d. lahat ng nabanggit

12. Ang iba’t ibang uri ng sakit ay maaaring maiwasan kung _________?
a. regular na paiikliin at linisin ang mga kuko sa kamay at paa
b. magpahaba ng kuko at mag-apply ng nail polish upang maitago ang dumi kung mayroon
c. ibabad ang paa sa maligamgam na tubig
d. maglagay ng cream sa kamay

13. Ang pagkakaroon ng tamang nutrisyon ay nangangahulugan ng _____.
a. pagkain ng tamang uri at dami ng pagkain
b. pagkain lamang ng mga pagkaing gusto natin
c. pagkain ng junkfoods
d. hindi pagkain ng mga gulay at prutas

14. Ang bullying at harassment o pang- aabuso ay ilan sa mga nagiging isyu sa kalusugan ng isang nagdadalaga at nagbibinata. Upang maiwasan ang pagiging biktima sa mga ito nararapat na ________.
a. umiwas sa pakikipag- usap sa mga taong hindi kakilala lalo na sa social media
b. ipakilala sa magulang ang mga kaibigan
c. magsumbong sa magulang o sa mga kinauukulan kung may masamang balak sa iyo ang isang tao
d. lahat ng nabanggit

15. Ang sapat na kaalaman tungkol sa _______ay makatutulong upang maiwasan ang maaga at di- inaasahang pagbubuntis.
a. pakikipagrelasyon
b. family planning at contraceptives
c. internet at social media
d. AIDS