1. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mamimili sa ibat-ibang presyo.
A. Pagkonsumo
B. Supply
C. Makroekonomiks
D. Demand
2. Ano ang ibig sabihin ng ceteris paribus?
A. Ang pagbabago ng presyo ay batay sa dami ng mamimili
B. Tanging presyo ang nakaaapekto sa pagbabago ng supply at demand
C .Nagbabago ang panlasa at kita ng mamimili
D. Tataas ang demand kapag bumaba ang presyo
3. Batay sa Batas ng Demand, ano ang mangyayari kapag tumaas ang presyo?
A. Tataas ang demand
B. Bababa ang supply
C. Bababa ang demand
D. Tataas ang supply
4. Ano ang tawag sa mga produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita?
A. inferior goods
B. market goods
C. substitute goods
D. normal goods
5. Ano ang ipinahihiwatig kapag lumipat ang kurba ng demand sa kaliwa?
A. pagtaas ng demand
B. pagtaas ng presyo
C. pagbaba ng demand
D. pagbaba ng presyo
6. Ang kurba ng demand ay gumagalaw mula itaas pababa at pakanan o downward sloping. Nangangahulugan ito na ________
A. magkapareho ang pagbabago ng presyo at kurba.
B. magkaugnay ang presyo at demand.
C. pantay ang pag-angat at pagbaba ng demand sa supply.
D. magkasalungat ang pagbabago ng presyo at demand.
7. Ang perfectly inelastic demand ay nangangahulugan naA. B. C. .D.
A. hindi matanto kung ano ang kaugnayan ng pagbabago sa presyo at demand.
B. walang nagaganap na pagbabago sa demand kahit pa tumaas ang presyo.
C. mas mababa ang magiging pagbabago ng demand kaysa sa pagbabago ng presyo.
D. higit 1% ang pagbabago sa demand sa bawat higit 1% na pagbabago sa presyo
8. Tawag sa mga produktong dumadami ang demand sa pagtaas ng kita ng mga tao.
A. luxury goods
B. substandard goods
C. inferior goods
D. normal goods
9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng matalinong pagpapasya sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik na nakakaapekto sa demand?
A. labis na paggasta
B. bumibili ng mura at kahaliling produkto
C. pagbili ng mga nauusong produkto
D. labis na magtipid
10. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng bahay kalakal sa iba’t ibang presyo.
A. kakapusan
B. alokasyon
C. pangangailangan
D. supply