Makahanap ng mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Mga bansa sa Timog Kanlurang Asya
Afghanistan, Armenia, Azerbaijan, Bahrain, Cyprus, Gaza, Georgia, Iran, Iraq, Israel, Jordan, Kuwait, Lebanon, Oman, Qatar, Saudi Arabia, Syria, Turkey, United Arab Emirates, West Bank, at Yemen.
Ano ang Timog Kanlurang Asya?
Ang Timog Kanlurang Asya o Kanlurang Asya ay ang rehiyong pinagtatagpuan ng hangganan ng tatlong mahahalagang kontinente sa daigdig ito ay ang Africa, Asya at Europa.
- Ang rehiyong ito ang pangunahing pinagkukunan ng langis. Dito din nanggaling ang mga rehiyong Judaism, Kristiyanismo, at Islam.
- Ito ay itinuturing na Moslem World at ikinakategorya bilang Arid Asya o bahagi ng Asya kung saan matatagpuan ang malalawak na disyerto at tuyong lugar mula Jordan tungong Arabia hanggang sa Iraq, Iran, at Afghanistan.
- Umaabot hanggang Pakistan at bahagi ng dating Gitnang Asya at Mongolia ang tinatawag na Arid Asia.
- Ang Kanlurang Asya ay bumubuo sa sangkatlo (1/3) ng Asya, may sukatna nasa pagitan ng 6.5 at 9.8 milyong milya kwadrado.
- Mainit ang klima sa ibang mga bansa tulad ng Saudi Arabia, Iraq at Qatar.
- Karamihan sa mga lenggwahe ng mga bansa dito ay arabic.
- Islam ang pinaka malaking relihiyon dito.
Likas na Yaman sa timog Kanlurang Asya
Yamang Mineral- Petroyo, Langis, at Natural Gas.
Bakal
Pilak
Tanso
Ginto at iba pa.
Yamang Lupa sa Timog Kanlurang Asya
- bundok
- bulubundukin
- lambak
- disyerto
Dito matatagpuan ang Rub' Al Khali o "Empty Quarter" at ang kabundukang Pamir.
Yamang tubig ng Timog Kanlurang Asya
- ilog- Tigris-Euphrates River(tinatawag na kambal na ilog).
Shat al-Arrab(ilog na nabuo bunga ng pagtatagpo ng Tigris Euphrates na nasa hangganan ng Iraq at Iran na isang estratehikong ruta sa tubig.
- dagat
Dito matatagpuan ang Dead Sea at Caspian Sea.
Mga kilalang lugar sa Timog Kanlurang Asya
Mecca- ang banal na lupain ng relihiyong Islam.
Dead Sea- pinakamaalat na lawa sa daigdig.
Burj Khalifa- ang pinaka mataas na istraktura sa mundo.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Sino sa mga naging pinunong nasyonalista sa timog kanlurang asya ang nais mong tularan?bakit: https://brainly.ph/question/494136
#LearnWithBrainly
Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.