Makahanap ng mabilis at maaasahang mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:
ADOBONG MANOK
Explanation:
Ingredients
- 1 kilo chicken
- 3 tablespoon cooking oil
- 4 pisngi bawang
- ½ sibuyas (medium size – pula o puti)
- 10 tablespoon toyo
- 5 tablespoon suka
- ½ tablespoon brown sugar
- ½ teaspoon paminta (powder or crushed)
- 3 cups water
- 3 laurel leaves – optional
Preparation
- Hiwain ang manok sa inyong gustong sukat.
- Hugasan ang manok at patuluin.
Step By Step How To Cook Chicken Adobo
1.Ipainit ang mantika sa kawali
2.Igisa ang bawang at sibuyas
3.Isunod ang manok
4.Haluin at takpan
5.Paminsan-minsan ay haluin hanggang mag-iba ang kulay ng karne
6.Pag nawala na ang pinkish color ng hilaw na karneng manok at pantay na ang kulay, ay ihalo na ang toyo at igisa ng isang minuto.Para mag-blend ang kulay ng toyo. Tandaan na medium heat lang ang apoy
7.Ihalo ang tubig, suka, asukal at paminta. Kung mayroong laurel, isama nadin ito.
8.Takpan at hintaying kumulo. Haluin paminsan-minsan. Hinaan ang apoy
9.Pagkaraan ng 30 minutes, tikman at sa puntong ito ay lasahan ng naaayon sa inyong gustong panlasa. Ito yung time na pwede ka mag-dagdag ng konting toyo o suka at konting tubig pa
10.Takpan uli. Pakatandaan na medyo mahina nalang ang apoy nito. Para hindi ito matuyuan ng sabaw at para manuot ang sarsa sa manok
11.Kung kayo ay nagdagdag ng inyong sarsa, ito ay kailangang mapakuluan uli sa mahinang apoy
12.Para malaman kung luto na ang manok ay tusukin ng tinidor ang laman ng karne. Kapag ang tinidor ay tuloy-tuloy na bumaon, ito ay siguradong luto na PERO pag ito ay lumalaban pa, kailangan na takpan muli ng ilang minuto pa.
#SANA MAKATULONG
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.