Gawain sa Pagkatuto Bílang 6: Sumulat ng isang sanaysay na may pamagat na “Ang Natatanging Lalawigan para sa Akin at sa Aking Pamilya.”
• Tanungin mo ang mga miyembro ng iyong pamilya kung alin sa mga lalawigan o Lungsod sa iyong kinabibilangang rehiyon ang katangi-tangi. Isulat sa kuwaderno ang mga dahilan ng kanilang pagpili.
• Kung ikaw ang tatanungin, ano naman para sa iyo ang natatanging lalawigan sa iyong rehiyon?
• Tukuyin ang katangian ng napiling lalawigan o lungsod. Bigyan ng pagpapahalaga ang mga simbolo at sagisag ng napiling lalawigan o lungsod ayon sa mga angking katangian nito.