A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang T kung ang pahayag ay tama
at M naman kung mali.
____ 1. Tatlo ang mahahalagang layunin ng pagsakop ng Espanya sa iba’t ibang lupain sa mundo.
____ 2. Ang makapagtatag at makapagtayo ng pinakamalaki at dakilang imperyo ang itinuturing na
pinakamahalagang layunin ng mga Espanyol.
____ 3. May apat na rutang nag-uugnay sa Silangan at Europe.
____ 4. Nagbago ang kalakalang Silangan-Europe nang sakupin ng mga Ottoman Turk ang Constantinople.
____ 5. Nagpalabas si Pope Alexander VI ng dalawang Papal Bull upang mamayani ang kapayapaan.