Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.
Sagot :
Answer:
Sa simula, ang Athens ay pinamunuan ng hari na inihalal ng asembleya ng mamamayan at pinapayuhan ng mga mga konseho ng maharlika. Ang asembleya ay binubuo naman ng mayayaman na may malaking kapangyarihan. Ang mga pinuno nito ay tinawag na Archon na pinapaburan naman ang mga may kaya sa lipunan
Di nagtagal, nagnais ng pagbabago ang mga artisano at mga mangangalakal. Upang mapigil ang lumalalang sitwasyon ng mga di nasisiyahang karaniwang tao, nagpagawa ang mayayamang tao o aristokrata ng nakasulat na batas kay Draco, isang tagapagbatas. Malupit ang mga batas ng Greek at hindi ito binago ni Draco ngunit kahit na paano ang kodigong ginawa niya ay nagbigay ng pagkakapantay – pantay sa lipunan at binawasan ng mga karapatan ang mga namumuno. Sa gitna ngpagbabagong ito nanatiling di kontento ang mga mamamayan ng Athens. Maraming Athenian ang nagpaalipin upang makabayad ng malaking pagkakautang. Marami rin sa kanila ang nagnais ng mas malaking bahagi sa larangan ng politika.
Bgt8zNzCEAAje_l
Draco- bumalangkas sa “Draconian Constituion” unang konstitusyon ng mga Greek
Ang sumunod na pagbabago ay naganap noong 594 B.C.E. sa pangunguna ni Solon na mula sa mga pangkat ng aristokrata na yumaman sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan. Kilala din siya sa pagiging matalino at patas. Inalis niya ang mga pagkakautang ng mahihirap at ginawang ilegal ang pagkaalipin nang dahil sa utang. Gumawa rin siya ng sistemang legal kung saan lahat ng malayang kalalakihang ipinanganak mula sa mga magulang na Athenian ay maaaring maging hurado sa mga korte. Ang mga repormang pampolitika na ginawa ni Solon ay nagbigay ng kapangyarihan sa mga mahihirap at karaniwang tao. Nagsagawa rin siya ng mga repormang pangkabuhayan upang maisulong ang dayuhang kalakalan at mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap. Nalutas ng repormang pangkabuhayan ang mga ilang pangunahing suliranin ng Athens at napaunlad ang kabuhayan nito. Sa gitna ng malawakang repormang ginawa ni Solon, di nasiyahan ang mga aristokrata. Para sa kanila, labis na pinaburan ni Solon ang mahihirap. Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang Solon bilang tawag sa mga kinatawan ng pambansang pamahalaan na umuugit ng batas.
Solon
Solon “Ang Dakilang Mamambabatas
Noong mga 546 B.C.E., isang politikong nagngangalang Pisistratus, ang namuno sa pamahalaan ng Athens. Bagamat mayaman siya, nakuha niya ang suporta at pagtitiwala ng karaniwang tao. Noong 510 B.C.E., naganap muli ang pagbabago sa sistemang politikal ng Athens sa pamumuno ni Cleisthenes “Ama ng Demokrasya ng Athens”
625863
Pisistratus ” Unang tyrant ng Greece” Sa sinaunang kasaysayan, ang Athens ay pinamunuan ng mga tyrant na noon ay nangangahulugang mga pinunong nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao at maayos na pamahalaan. Bagamat karamihan sa kanila ay naging mabubuting pinuno, may mangilan-ngilan din na umabuso sa kanilang posisyon na nagbigay ng bagong kahulugan sa katawagang tyrant bilang malupit na pinuno sa ating panahon, sa kasalukuyan.
Upang mapanatili ang kalayaan ng mga mamamayan ipinatupad ni Cleisthenes ang isang sistema kung saan bawat taon ay binibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na ituro ang taong nagsisilbing panganib sa Athens. Kapag ang isang tao ay nakakuha ng mahigit 6,000 boto, siya ay palalayasin sa Athens ng 10 taon. Dahil sa ang pangalan ay isinusulat sa pira-pirasong palayok na tinatawag na Ostrakon (Ostrascism), ang sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao ay tinawag na ostracism. Bagamat kaunti lamang ang naipatapon ng sistemang ito, nabigyan ng mas malaking kapangyarihan ang mga mamamayan.
Cleisthenes
Cleisthenes “Ama ng Cleisthenes”
Sa pagsapit ng 500 B.C.E., dahil sa lahat ng mga repormang naipatupad sa Athens, ang pinakamahalagang naganap ay ang pagsilang ng demokrasya sa Athens, kung saan nagkaroon ng malaking bahagi ang mga mamamayan sa pamamalakad ng kanilang pamahalaan.Mas radikal ang mga pagbabagong ipinatupad niya tulad ng pamamahagi ng malalaking lupang sakahan sa walang lupang mga magsasaka. Nagbigay siya ng pautang at nagbukas ng malawakang trabaho sa malalaking proyektong pampubliko. Pinagbuti niya ang sistema ng patubig sa lungsod ng Athens, at nagpatayo ng magagandang templo. Ipinakita rin niya ang kaniyang interes sa sining at kultura sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa mga pintor at sa mga nangunguna sa drama. Ang pagsulong niya sa sining ang nagbigay-daan upang tanghalin ang Athens na sentro ng kulturang Greek.
Salamat sa iyong pagsali sa aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagsagot sa mga katanungan. Sama-sama tayong magtatayo ng isang lugar na puno ng kaalaman at pagtutulungan. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.