IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksaktong sagot. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.
Sagot :
ANO ANG IBIGSABIHIN NG PANGKALAHATAN? IPALIWANAG.
Ibigsabihin: Ang pangkalahatan ay tumutukoy sa kabuuang bilang o grupo ng mga bagay-bagay, mga hayop o ng mga tao. Ang pangkalahatan ay nagsasaad na walang pagsasaalang-alang sa mga detalye o pagbubukod nito.
Paliwanag: Sa madaling salita ang pangkalahatan ay nag sasaad din na wala itong eksepsiyon sa mga bagay-bagay, mga hayop o mga tao kundi naaangkop sa lahat o para sa pangkalahatan. Ang pangkalahatan ay tumutukoy sa buong nasasakopan o kinabibilangan nito. Dito ay makikita natin na kinukunsidera ang lahat ng bilang nito, mapa-tao, mapa-hayop o mapa-bagay man ito, walang binubukod o hindi sinasama kundi pag sinabing pangkalahatan ay para sa lahat o naaangkop sa lahat.
Halimbawa:
1. Ang batas ng ating bansa ay para sa pangkalahatan at hindi sa iilan lamang.
2. Sa kompanyang aking pinagtatrabahohan ang lahat ng mga manggagawa ay binibigyan ng sahod batay sa kaniyang posisyon.
3. Ang kaalaman sa protokol ng kalusogan patungkol sa sakit na covid19 ay naaangkop sa lahat, upang mapanatili ang pag-iingat ng bawat isa.
brainly.ph/question/13445802
#LETSSTUDY
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!