Suriin ang IDNStudy.com para sa malinaw at detalyadong mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
PAANO KAYA MATUTUGUNAN ANG MGA SULIRANING KAAKIBAT NG PAGPASOK NG MGA BANYAGANG PRODUKTO AT SERBISYO SA ATING BANSA LALO NA SA MGA LOKAL AT MALILIIT NA NEGOSYANTENG PILIPINO?
Ang solusyon sa mga suliraning kaakibat ng pagpasok ng mga banyagang produkto at serbisyo sa ating bansa lalo't higit sa mga lokal at maliliit na negosyanteng Pilipino ay ang proteksiyonismo.
Ang proteksiyonismo ay isang patakaran sa ating ekonomiya na naglalayon na higpitan ang pag-aangkat ng mga produkto mula sa ibang bansa sa pamamagitan ng paglagay ng taripa sa mga naiangkat na produkto, mga quota sa mga iaangkat, at iba pang regulasyon sa pamahalaan. Sa pamamagitan ng proteksiyonismo, mabibigyang proteksyon ang mga lokal na produkto sa pakikipagkompitensya sa mga banyagang produkto. Maliban dito, nararapat din na makipagtulungan ang mga mamamayan sa patuloy na pagsuporta sa mga lokal na produkto at serbisyo upang ating mailigtas sa pagkalugi ang mga Pilipinong negosyante. Tangkilikin ang sariling atin upang ating ekonomiya ay umunlad.
Paano kaya matutugunan ang mga suliraning kaakibat ng pagpasok ng mga banyagang produkto at serbisyo sa ating bansa lalo na sa mga lokal at maliliit na negosyanteng Pilipino?
brainly.ph/question/24437265
#LETSSTUDY
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.