IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Pamagat: Paano Gumawa ng Adobo na Manok
Layunin:
Makagawa ng Masarap na Adobo
Sangkap:
1 kilo chicken
3 tablespoon cooking oil
4 pisngi bawang
½ sibuyas (medium size – pula o puti)
10 tablespoon toyo
5 tablespoon suka
½ tablespoon brown sugar
½ teaspoon paminta (powder or crushed)
3 cups water
3 laurel leaves – optional
Preperation:
Hiwain ang manok sa inyong gustong sukat.
Hugasan ang manok at patuluin.
Mga Hakbang:
1.Ipainit ang mantika sa kawali
2.Igisa ang bawang at sibuyas
3.Isunod ang manok
4.Haluin at takpan
5.Paminsan-minsan ay haluin hanggang mag-iba ang kulay ng karne
6.Pag nawala na ang pinkish color ng hilaw na karneng manok at pantay na ang kulay, ay ihalo na ang toyo at igisa ng isang minuto. Para mag-blend ang kulay ng toyo. Tandaan na medium heat lang ang apoy
7.Ihalo ang tubig, suka, asukal at paminta. Kung mayroong laurel, isama nadin ito.
8.Takpan at hintaying kumulo. Haluin paminsan-minsan. Hinaan ang apoy
9.Pagkaraan ng 30 minutes, tikman at sa puntong ito ay lasahan ng naaayon sa inyong gustong panlasa. Ito yung time na pwede ka mag-dagdag ng konting toyo o suka at konting tubig pa
10.Takpan uli. Pakatandaan na medyo mahina nalang ang apoy nito. Para hindi ito matuyuan ng sabaw at para manuot ang sarsa sa manok
11.Kung kayo ay nagdagdag ng inyong sarsa, ito ay kailangang mapakuluan uli sa mahinang apoy
12.Para malaman kung luto na ang manok ay tusukin ng tinidor ang laman ng karne. Kapag ang tinidor ay tuloy-tuloy na bumaon, ito ay siguradong luto na PERO pag ito ay lumalaban pa, kailangan na takpan muli ng ilang minuto pa.
Source:
https://www.simotsarap.ph/paano-magluto-ng-adobong-manok/
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.