Ingles: paganism, mula sa Lating paganus, na nangangahulugang "naninirahan sa kanayunan", "rustiko", o "karaniwan"
isang pangkalahatang katawagang ginagamit upang tukuyin ang sari-saring mga pananampalatayang maraming diyos o relihiyong politeistiko. Kinabibilangan ang nilarawang pangkat sa karamihan ngSilanganing mga relihiyon, relihiyon at mitolohiya ng Katutubong mga Amerikano, pati na ang hindi-Abrahamikong mga relihiyong-bayan sa pangkalahatan. Hindi ibinibilang sa mas makitid na mga kahulugan ang anuman sa mga relihiyon ng mundo at hinahangganan ang katawagan sa lokal o rural na mga daloy na hindi naisaayos bilang mga relihiyong sibil. Katangian ng mga tradisyong pagano ang kawalan ng proselitismo at ang pagkakaroon ng isang nabubuhay na mitolohiya na nagpapaliwanag ng gawaing pampananampalataya.