IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at maaasahang mga sagot. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

____3. Maituturing itong isang paglaban ng masidhing damdamin sa isip

Sagot :

Mga Salik na Nakakaapekto sa Makataong Kilos:

Sagot:

Masidhing Damdamin:

Ang masidhing damdamin ay tumutukoy sa mga dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay, damdamin, o kilos. Ito ay malakas na utos ng sense appetite na tuparin ang kanyang layunin. Tumutukoy ito sa masidhing pagkagusto o paghahangad na makaranas ng kaligayahan o kasarapan at pag – iwas sa mga bagay na nagdudulot ng hirap o sakit.

Ang masidhing damdamin ay likas na damdamin kaya lamang ang tao ay may pananagutan na pangasiwaan ang kanyang emosyon at damdamin dahil kung hindi ang mga damdamin at emosyong ito nag magkokontrol sa tao. Ang pagkakaroon ng mga positibong damdamin at maayos na pagtanggap sa mga kahinaan sa buhay ay isang paraan upang kontrolin ang damdamin.

Ang masidhing damdamin ay maaaring mauna at mahuli ang bunga. Kapag nauna ang damdamin, ang kilos ay pumapailalim sa damdamin at hindi nagiging malaya. Kapag naman nauna ang kilos kaysa sa damdamin, nagkakaroon ang tao ng pagkakataon na pag – aralan ang magiging kilos. Napaglalabanan ng tao ang sidhi ng damdamin kay naman mas maliit ang posibilidad na makagawa ng maling desisyon o ng maling hakbang na bunga ng masidhing damdamin.

Mga Halimbawa:

kapangahasan

katuwaan

desperasyon

galit

pag – ibig

pagkamuhi

pagkasindak

pagkasuklam

pagnanais

pagnanasa

pangamba

pighati

Kahulugan ng Masidhing Damdamin: brainly.ph/question/1924252

Iba Pang Salik na Nakakaapekto sa Makataong Kilos:

kamangmangan

karahasan

gawi

takot

Ang kamangmangan ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.

Dalawang Uri:

hindi nadaraig

nadaraig

Ang kamangmangan na hindi nadaraig ay ang kamangmangan dulot ng kawalan ng kaalaman na mayroon siyang hindi alam na dapat niyang malaman o di kaya ay walang posibleng paraan upang malaman ang isang bagay sa sariling kakayahan o sa pamamagitan ng iba.

Ang kamangmangan na nadaraig ay ang kawalan ng kaalaman sa isang gawain ngunit may pagkakataong itama o magkaroon ng tamang kaalaman kung gagawa ng paraan upang malaman at matuklasan ito.

Ang karahasan ay tumutukoy sa pagkakaroon ng panlabas na pwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kanyang kalooban. Ang tanging naaapektuhan ng karahasan ay ang kilos na panlabas ngunit ang kilos na panloob ay hindi.

Ang gawi ay tumutukoy sa mga gawain na paulit – ulit ginagawa at naging bahagi na ng sistema ng pangaraw – araw na buhay. Kapag ang isang kilos ay nakasanayan na, nagkakaroon ng kabawasan ang pananagutan ng isang tao ngunit hindi ito nawawala. Sa madaling salita, ang gawi ay hindi kailanman makapag aalis ng pananagutan sa magiging bunga ng makataong kilos. Sa kabila nito, maraming kilos o gawa ang tinanggap na ng lipunan dahil ito ay bahagi nan g pang araw araw na gawain ng tao.

Ang takot ay tumutukoy sa pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kanyang buhay o mga mahal sa buhay. Ito rin ay tumutukoy sa paglalagay ng pwersa tulad ng pagpapahirap o pananakit  na magtutulak sa tao upang gawin ang isang bagay na hindi niya gusto o labag sa kanyang kalooban. Kabilang din dito ang pananakot sa kanyang mga mahal sa buhay o pamilya.

Mga Salik ng Makataong Kilos: brainly.ph/question/881058

Makataong Kilos:

Ang makataong kilos ay tumutukoy sa kilos na isinasagawa ng tao ng may kaalaman, kusa, at malaya. Ang makataong kilos ay bunga ng kaalaman, nilapatan ng isip at kilos – loob kaya naman may kapanagutan sa pagsasagawa nito. Karaniwang tinatawag na kilos na kinusa, niloob, o sinadya dahil isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay mapanagutan o responsable.

Kahulugan ng Makataong Kilos: brainly.ph/question/210991