Ang Pamana ni: Jose Corazon de Jesus Isang araw ang ina ko'y nakita kong namamanglaw Naglilinis ng marumi't mga lumang kasangkapan. Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan; Nakita ko ang ina ko'y tila baga nalulumbay At ang sabi "itong piyano sa iyo ko ibibigay, Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan, Mga silya't aparador ay kay Tikong nababagay Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman." Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa, Subalit sa aking mata'y may namuong mga luha