IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.

Bumuo Ng pamagat tungkol sa paksang DROGA​

Sagot :

Answer:

Droga

Ang droga ay naka kasama sa kalusugan

At na kapag papa adik kayat wag kayo mag gamit ng droga para hindi kayo magkasakit

Answer:

DROGA” (Talumpati) | Patricia Mae V. Manese

Ilan na ang mga kabataang nakikita nating halos patapon na ang buhay?

Mga kabataang hindi lang ang kanilang kinabukasan ang sinisira pati narin ang kanilang pag iisip. Mga kabataang naligaw na ang landas at napunta sa madilim na mundo. Mga kabataang lapitin na gulo, impluwensya ng droga.

Alam ko na hindi lang ako ang nakakakita ng tulad nila. Alam ko na nararamdaman niyo rin ang nararamdaman ko. Nalulungkot at nanghihinayang. Nalulungkot para sa kanila at higit sa lahat sa kanilang mga magulang. Nanghihinayang na sana at may maganda silang kinabukasan na makamit. Kung hindi lang sana sila naligaw ng landas, maaari pa silang maipagmalaki sa ating lipunan.

Hindi ko din maiwasang makita ang mga kabataang halos wala pang muwang sa mundo. Kabataang bagsak na ang katawan at iba na ang galaw. Mga mata nila ay tumitirik, sila ay lasing at parang nakahithit ng droga.

Gumugulo sa aking isip ang mga tanong na “Ano na ang nangyari?” , Nasaan na ang kasabihan na, “ANG KABATAAN ANG PAG ASA NG BAYAN”?

Alam kong tayo ay nagdadamdam. Naiisip natin kung ano nga ba ang tunay nilang dahilan, kung bakit sila nagkaganyan.

Para sa mga kabataang tulad ko na naliligaw ng landas, kung kayo ko lang kayong tulungan at gabayan sa tamang landas,ginawa ko na. Kung kaya ko lang mailayo kayo sa landas ng kasamaan, ginawa ko na. Pero hindi ko kayang gawin ang mga nais kong gawin. Dahil tulad niyo, ako’y isang hamak lang din na kabataan.

Nais ko lang na sa simpleng mensaheng ito ay may matutunan kayo. Huwag ninyong pairalin ang tigas ng ulo, sundin natin ang ating mga magulang. Sa paggamit niyo ng droga at hindi pagsunod sa kanilang mga payo ay nakakasakit sa kanilang damdamin.

Sa mga magulang, patuloy padin po silang gabayan tungo sa tamang landas. Hayaan pong matuto sila sa kanilang pagkakamali, subalit wag po nating hayaan na mauwi sa wala ang inyong mga pinaghirapan.

Mga kabataan, imulat ang inyong mga mata at gumising! Isipin ang mga ninyo ang paghihirap ng inyong mga magulang. Diyos ang gagabay sa inyo at Siya na ang manghuhusga sa mga kamaliang inyong nagawa. Ang magagawa ko lamang ay ipagdasal ang mga kabataang naligaw ang landas.

Explanation:

I hope it helps ^^