Sumali sa IDNStudy.com at simulang makuha ang maaasahang mga sagot. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Basahin at unawain ang usapan sa loob ng isang tahanan. Unawain mo at suriin. Sa tulong ng caravan, isulat sa iyong sagutang papel ang mahihinuha mo sa bawat diyalogo.

Sa isang tahanan, masayang nagkukuwentuhan ang buong pamilya habang nanonood ng TV.

Tatay: "Mga anak, nag-aaral ba kayong mabuti. Alam kong modyul lang ang ginagamit ninyo sa pag-aaral ninyo. Kumusta naman"? (1)

Miguel: "Opo naman tay. Sa katunayan nga natapos na namin ang unang modyul. Sa tulong po ni nanay ay nasasagutan namin ang mga tanong at gawain sa modyul. Ang husay pala ni nanay magturo, tay". (2)

Nanay: "Naku, bolero talaga itong si Miguel. Nagkataon lamang na alam ko ang mga paksa sa modyul kaya madali na para sa akin na turuan kayo".

Miguel: "Alam mo tay, palagay ko mataas ang magiging marka ko kasi nasagutan ko lahat ng mga gawain sa modyul. Kasi natsek namin ni nanay sa susi sa pagwawasto".

Tatay: "Sigurado ka ba anak na tama lahat nang iyong sagot. O, baka naman kinopya mo lang ang tamang sagot sa susi sa pagwawasto?. (3)

Nanay: Hindi naman, ikaw naman bakit namin gagawin iyon. Alam ko namang mali at hindi dapat ugaliin ng anak mo ang mandaya. May mga sagot din naman na mali siya kaya binabalikan namin at inaalam kung bakit naging mali." (4)

Tatay: A, ganoon ba. O, sige mabuti hangga't bata pa natuturuan natin ang mga bata na maging tapat sa kanilang mga ginawa upang di masanay na gumawa ng mali. Miguel, pagbutihin pa ang pag-aaral ha para maging isa kang inhenyero balang araw tulad nang sinasabi mo sa akin na pangarap mo.

Miguel: Opo tay. Hinding-hindi ko kayo bibiguin. Salamat tay sa paalala. (5)

Mahihinuha sa diyalogo

1. mahihinuha sa unang diyalogo

2. mahihinuha sa ikalawang diyalogo

3. mahihinuha sa ikatlong diyalogo

4. mahihinuha sa ikaapat diyalogo

5. mahihinuha sa ikalimang diyalogo​

Sagot :

Answer:

1.paguusisa

2.pagmamalaki

3.pagaalinlangan

4.pagkalungkot/mahinahon

5.

diko po alam yung pang lima e

Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!