Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at maaasahang mga solusyon. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.
Answer:
Mga Pagbabago sa Panahon ng Pagdadalaga at Pagbibinata
Ito ang tinatawag na puberty stage. Isa itong yugto sa buhay ng isang tao kung saan makikita ang mga pagbabagong pisikal, emosyonal at sosyal. Karaniwanag nararanasan ito ng isang babae at lalaki sa pagitan ng edad na sampu hanggang labing walo. Lahat ng adulto ay mararanasan ang yugtong ito.
Mga Pagbabagong Pisikal
1.Pagkakaroon ng buwanang dalaw ng mga babae.
2.Bahagyang paglaki ng dibdib ng mga babae.
3.Pagtubo ng balahibo sa kili-kili at ibabaw ng personal na bahagi ng mga kababaihan.
4.Paglabas ng Adams apple ng kalalakihan.
5.Paglagong ng boses ng mga lalaki.
6.Pagtubo ng bigote, balbas, balahibo sa kili-kili at ibabaw ng personal na bahagi ng mga kalalakihan.
Mga Pagbabagong Emosyonal
• Mahiyain
• Maramdamin
• Pagkakaroon ng Mood Swing
• Nagiging palaayos sa sarili
Mga Pagbabagong Sosyal
• Mas maraming oras na ginugugol kasama ang kaibigan kaysa sa pamilya.
• Pagiging risk-taker.
• Pagkakaroon ng responsableng pananaw sa buhay.