Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng maraming kaalaman. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.
Sagot :
Ang dalawang uri ng Sanaysay
- Pormal na Sanaysay
- Di-Pormal na Sanaysay
- Pormal na Sanaysay
Ang pormal na sanaysay ay tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa.Ang mga salitang nakapaloob dito ay umaakma sa mga napiling isyu gayun din ito ay kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawa ng pananaliksik. Ang Pormal na sanaysay din ay naglalaman ng mga mahahalagang kaisipan at nasa maayos na pagkakasunod-sunod upang ito ay mas maunawaan ng mga mambabasa.
- Di-Pormal na sanaysay
Ang di-pormal na sanaysay ay tumatalakay sa mga paksang karaniwan na,at magaan,sa mga paksang pang araw-araw at personal. Ito ay karaniwan ng naglalaman ng mga kuro-kuro nasasaloob, ng ibat-ibang bagay at mga pangyayari na nararanasan at nakikita ng may akda.
Ang sanaysay ay isa sa uri ng ating panitikan na nasusulat sa isang pirasong papel na naglalaman ng pananaw ng may akda. karaniwan ng nilalaman nito ang pagpuna,opinyon, obserbasyon, impormasyon kuru-kuru, pang-araw araw na pangyayari at mumunimuni ng isang tao.sinasabing ito rin ay isang sistematikong paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari.
Ang sanaysay ay may pitong elemento narito ang mga sumusunod:
- Tema at nilalaman- ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na isang paksa dahil sa mga kaisipang ibinahagi nito.
- Anyo at Istruktura- ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari.
- Kaisipan- ito ay tumutukoy sa mga ideyang nababanggit na kaugnay sa tema.
- Wika at Istilo- ito ay tumutukoy sa mabuting paggamit ng mga simple at natural ngunit matapat na mga pahayag.
- Larawan ng buhay- ito ay tumutukoy sa makatotohanan at masining na paglalahad ng may akda.
- Damdamin- ito ay tumutukoy sa pagpapahayag ng may akda kung ang sanaysay ba ay nailalahad ng may damdamin,kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan.
- Himig- ito ay tumutukoy kung ang sanaysay ba ay naipapahiwatig ang kulay o kalikasan ng damdamin.
Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman
Halimbawa ng sanaysay https://brainly.ph/question/65424
Ano ang sanaysay at ibigay ang mga bahagi ng sanaysay https://brainly.ph/question/138575
Ano ang lakbay sanaysay https://brainly.ph/question/460623
Salamat sa iyong pagsali sa aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagsagot sa mga katanungan. Sama-sama tayong magtatayo ng isang lugar na puno ng kaalaman at pagtutulungan. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.