Answered

Sumali sa IDNStudy.com at simulang makuha ang maaasahang mga sagot. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

saan matatagpuan ang borneo rainforest at ano ang kahalagahan nito?pls answer tnx:)

Sagot :

Saan matatagpuan ang Borneo rainforest at ano ang kahalagahan nito?

Ang Borneo ay isang malaking isla na matatagpuan sa Timog Silangang Asya. Ito ay nasa timog kanluran ng Pilipinas malapit sa Palawan at Sulu sa Mindanao.  

Napapaligiran ito ng mga sumusunod na mga karagatan:

  1. South China sea
  2. Java sea
  3. Celebes sea
  4. Sulu sea
  5. Makassar Strait

Mahalaga ang rainforest ng Borneo dahil ito ay tirahan ng iba’t ibang mga malalaking hayop gaya ng mga sumusunod:

  • Orangutan
  • Elephants
  • Rhino
  • Tigers
  • Sun bear
  • Clouded leopard
  • Proboscis monkey  

Bukod dito, marami pang ibang maliliit na mga hayop na matatagpuan dito. Importante din na protektahan ang kagubatang ito upang hindi mawala ang mahigit 10,000 uri ng mga halaman na matatagpuan dito na siya din inaasahan ng mga hayop na nabanggit. Ang Borneo ay hati sa pagitan ng tatlong mga bansa.

Narito ang tatlong bansa na nasa loob ng Borneo:

  • Malaysia
  • Indonesia
  • Brunei

Ang ano mang kagubatan ay mahalaga, masasabing ito ang nagbibigay sa atin ng malinis na hangin, ito rin ay napagkukuhanan ng mga sangkap para mga gamot, tirahan din ito ng maraming tribo ng mga katutubo. Tunay na mahalaga ang Rainforest ng Borneo kaya’t nararapat na magtulungan ang tatlong bansang may hawak dito upang maproteksyonan ito.

I-click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:

Ano ang mga bansang kabilang sa Timog Silangang Asya? https://brainly.ph/question/118339

Examples of habitat destruction https://brainly.ph/question/1751111

What is deforestation? https://brainly.ph/question/180664