Kaguluhan, kahirapan, krimen, epidemya, salot, at marami pang iba. Ilan lang ito sa napakadaming dahilan na pumipighati ng ating kapayapaan hindi lang sa pisikal kundi pati na rin sa emosyonal at mental.
Lahat tayo ay nanghahangad ng kapayapaan. Ngunit paano natin ito magagawa. Mahalaga na magsimula ito sa pinakamaliit na yunit sa ating komunidad, sa pamilya.
Sa maayos na pagtuturo sa mga anak at pagsisilbing mabuting huwaran sila ay lalaki ang posibilidad na lumaki sila ng maayos at mabuting tao. Kaya mahalaga na palaganapin natin ang kapayapaan. At simulan ito sa ating mga sarili.
Nang sa gayon ay magkaisa at maging maunlad hindi lang ang sambahayan kundi pati na ang sangkatauhan. Huwag tayong manghimagod na abutin at kamitin ang kapayapaan.