Si Li Huiquan na dating bilanggo ay naging abala kung paano niya aayusin ang kanyang buhay. Nag-iisip siya ng paraan kung paano siya kikita para mapagkukunan niya ng kabuhayan na hindi umaasa sa naiwan ng kanyang ina. Isang sasakyang tatluhang gulong ang kanyang inayos upang magamit niya sa pagtitinda ng damit.Noong una'y wala man lamang pumansin sa kanyang paninda ngunit kalaunan ay nakabenta na siya. Naging inspirasyon ni Li Huiquan ang pagbili ng kasuotang pang-army ng apat na karpintero na nagligtas sa kanila mula sa sobrang lamig ng panahon.Patuloy pa rin siya sa pagtitinda at iniisip na tiyaga lamang ang susi para sa isang matatag na buhay na kahit sa pinakamalalang panahon ay di dapat mawawalan ng pag-asa.