IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at maaasahang mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.
Sagot :
Ang burador o draft sa wikang Ingles ay ang panimulang sinulat mo ukol sa isang paksa. Hindi pa ito ang pinal na bersyon at maaring mo ba itong Baguhin. Pagrebisa or revision naman ang tawag sa pagbabago ng iyong sinulat na burador. Ang pagsusulat ay kadalasang isang mahabang proseso na may ilang mga hakbang. Importanteng malaman kung ano ang mg hakbang na ito.
Mga Hakbang Sa Pagsusulat
1. Pre-writing - dito ikaw ay nagiisip at nagdedesisyon kung ano ang isusulat. Kadalasan nagbibigay ng paksa ang mga guro at ikaw ang bahalang magisip kung anong anggulo ang iyong isusulat batay sa paksa. Dito rin ginagawa ang brainstomring kung saan isusulat mo lamang ang mga salita na papasok sa iyong isip ukol sa paksa. Dito pwede mong makita ang pagkakugnay ng mga salita.
2. Pagsaliksik - kailangan mong magbasa ukol sa iyong paksa. Isulat ang mga mahahalagang impormasyon na makukuha mo. Kung kailangan, magsulat din ng review of related literature.
3. Pagsulat ng Burador o Draft - ito ang hakbang kung saan isusulat mo na ang unang bersyon ng iyong saliksik. Ito ang pinakamahabang parte dahil kailangan magsulat at magsulat upang makuha ang pinakamagandang bersyon.
4. Pag rebisa o revision - Tingnan ulit ang iyong sinulat at tingnan kung may mga mali pa. Baguhin ang mga ito. Tingnan din kung sapat ang bilang ng mga salita, maging ang mga margin ng iyong sunulat.
#LearnWithBrainly
Para sa dagdag impormasyon:
Brainstorming: https://brainly.ph/question/550024
Paggawa ng Burador: https://brainly.ph/question/1724483
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.