IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa maaasahang mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Bakit nga ba kahiya-hiya para kay Enkido ang kanyang kamatayan ?
Si Gilgamesh ay isang makapangyarihang tao at hari ng lungsod ng Uruk. Nagtataglay siya ng lakas at kapangyarihan na higit pa sa normal na tao. Ang kanyang mga kalaban ay nananalangin na makawala sa kanya dahil sa kanyang pang aabuso sa kanyang kapangyarihan.
Isang araw ay tinupad ng diyos ang kanyang kahilingan na magkaroon ng kalaban na kasing lakas niya. Ipinadala ng diyos si Enkido na lumaki kasama ang mga hayop sa kagubatan na nagtataglay din ng kakaibang lakas at kapangyarihan.
Nagpang abot silang dalawa ng sila ay magkita at malaman kung sino ang tunay na mas malakas. Nagwagi si Gilgamesh laban kay Enkido ngunit sila ay naging matalik na magkaibigan at naging mag kasama sa labanan ang dalawa.
Hindi pinayagan ng mga Diyos ang pang aabuso nila sa kanilang kapangyarihan kaya sila ay pinarusahan at ang isa sa kanila ay kailangang mamatay at iyon ay si Enkido.
Nagkaroon si Enkido ng matinding karamdaman na tumagal ng labindalawang araw. Habang si Enkido ay nakahimlay at may sakit nanaginip ito at sinabi kay Gilgamesh. Nagdadalamhati naman si Gilgamesh para sa nararamdaman ng kaibigan.
Kahiya hiya para kay Enkido ang kanyang kamatayan dahil:
- Iniisip nito na ang kanyang kamatayan ay sanhi ng matinding karamdaman na pagpaparusa ng mga diyos sa kanya.
- Sa dami ng kanyang nagawa noong sya ay nabubuhay iniisip ni Enkido na mas mas masaya at mas gugustuhin pa nyang mamatay sa laban kaysa sa malubhang karamdamang ipinataw sa kanya bilang parusa na kanyang ikinahihiyang naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Maari niyo rin bisitahin ang mga link na ito:
https://brainly.ph/question/1831916 - Ano ang kapangyarihan ni enkido?
https://brainly.ph/question/403059 - Sino si enkido? Anung supernatural na kapangyarihan niya?
https://brainly.ph/question/1706550 - Sino si Gilgamesh at Enkido?
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng isang komunidad ng karunungan at pagkatuto. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.