IDNStudy.com, kung saan ang mga eksperto ay sumasagot sa iyong mga tanong. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.
Sagot :
Subject Araling Panlipunan
Question:
Digmaang Kinasangkutan ng Sinaunang Greece
Aktor ( Sino ang magkalaban)
Answer
May dalawang digmaan ang kinasangkutan ng sinaunang Greece. Sa panahon noon, nagkakaroon ng digmaan sa kadahilanang lahat ng mga pinuno ng mandirigma ay may hangarin na mapalawak ang imperyong nasasakupan. Sa lahat ng mga labanan, may mga namumuno sa mga grupo ng mananakop sa pagsalakay sa mga lugar o bansa na nais sakupin para sa kapangyarihan. Ang 2 digmaang kinasangkuatan ng sinaunang Greece ay:
- Digmaang Graeco-Persia
- Digmaang Peloponnesian
Digmaang Graeco-Persia
Ang Digmaang Graeco-Persia ay naganap sa pagitan ng panahon ng 499-479 BCE. Ang mga aktor sa digmaang ito ay ang mga Griyego laban sa mga Persiano.
Ang Digmaang Graeco-Persia ay nahati sa tatlong digmaan:
- Labanan sa Marathon
Ang mga aktor sa naturang digmaang ito ay ang magkalaban sa magkabilang panig na binubuo ng 10,000 pwersa ng Athens at humigit-kumulang na 25,000 pwersa ng Persia na pinamumunuan ni Darius I.
- Labanan sa Thermophylae
Ang mga aktor sa naturang digmaang ito ay ang magkalaban sa magkabilang panig na binubuo ng pitong libong Greek, tatlong daan sa mga ito ay taga-Sparta sa ilalalim ni Leonidas at ang mga taga Persia na nasa pamumuno ni Xerxes, anak ni Darius I.
- Labanan sa Pulo ng Salamis
Ang mga aktor sa naturang digmaang ito ay ang magkalaban sa magkabilang panig na binubuo ng mga taga-Athens sa pamumuno ni Themitocles (Athenian) at ang mga taga Persia na nasa pamumuno ni Xerxes, anak ni Darius I. Sa panig ng Athens, kaalyansa nito ang Sparta, Corinth at Megara.
Digmaang Peloponnesian
Ang digmaang Peloponnesian ay labanan sa pagitan ng Spartans at mga mga Athenians. Nagkaroon ng digmaan ang mga Griyego dahil sa hindi pagkakasundo sa Delian League.
Para sa iba pang mga impormasyon tungol sa digmaang kinasangkutan ng sinaunang Greece:
Sino sino ang magkalaban sa digmaang kinasangkutan ng unang greece: https://brainly.ph/question/220227
Digmaang kinasangkutan ng sinaunang greece: https://brainly.ph/question/266844
Digmaang kinasangkutan ng sinaunang greece kaganapan: https://brainly.ph/question/240793
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.