Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

ano ang pax-romana ??

Sagot :

Ang ibig sabihin ng Pax Romana ay "Roman Peace".

Ang Pax Romana ay ang Latin na termino para sa "Roman Peace". Ito ay ang panahon kung kailan nakaranas ang imperyong Romano ng mahabang kapayapaan at kaayusan. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa kahulugan ng Pax Romana ay narito.

I. Iba pang Detalye tungkol sa Pax Romana

  • Ang Pax Romana ay salitang Latin.
  • Ang ibig sabihin ng Pax Romana ay "Roman Peace".
  • Ito ay ang mahabang panahon kung kailan nakaranas ang Imperyong Romano ng kapayapaan at kaayusan.
  • Ang panahong ito ay tinatayang umabot ng mahigit na 200 na taon.
  • Sa panahon ding ito, umabot ng 70 milyong katao ang populasyon ng Roma. Noong panahong iyon, ito ay isangkatlo ([tex]\frac{1}{3}[/tex]) ng populasyon ng mundo.

II. Ang Pax Romana ay tinatawag ding Pax Augusta

  • Ang Pax Romana ay minsan ding tinatawag na "Pax Augusta".
  • Bakit? Ito ay dahil ang panahon ng Pax Romana ay nagsimula sa pamumuno ni Augustus.
  • Nilayon ni Augustus at ng kanyang mga kapalit na siguraduhin ang kaayusan, pagpapatupad ng batas at seguridad.

Iyan ang mga detalye tungkol sa Pax Romana. Narito ang iba pang mga links tungkol sa nasabing paksa.

  • Ano ang ibig sabihin ng pax-romana? https://brainly.ph/question/955878, https://brainly.ph/question/248136 at https://brainly.ph/question/254437