Si Li Huiquan, ang pangunahing tauhan sa akdang Niyebeng Itim na isinalin ni Galileo S. Zafra sa wikang Tagalog. Sa kwentong ito, ipinakita ang hirap na kanyang narasanan sa pagbangon sa buhay matapos siyang makalaya sa kulungan.
Bagamat hindi naibilang sa parteng ito ang dahilan ng kanyang pagkakakulong, sa aking pananaliksik napag-alaman ko na siya ay nakulong sa isang labor camp dahil nasangkot siya sa isang away kalye.