Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot ng eksperto. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.
Sagot :
Suriin ang elemento ng binasang tulang ang aking pag-ibig by alfonso santiago
Ang Aking Pag-ibig
(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret BrowningIsinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)
Ibig mong mabatid, ibig mong malaman
Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay
Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.
Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,
Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.
Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay
Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.
Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.
Mga elemento ng tula: sukat, saknong, tugma, kariktan, talinhaga
Sukat- lalabindalawahin
Saknong- 4 linya: quatrain
Tugma- tugma sa katinig (di-ganap) -Ikalawang lipon
Kariktan-
Taimtim: malalim; matindi
Mabatid: malaman
Talinhaga
-Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Alamin kung ano-ano ang mga elemento ng tula:
https://brainly.ph/question/877336
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!