Makakuha ng mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.

halimbawa ng tula na may tayutay binubuo ng 4 na saknong at 4 na taludturan ​

Sagot :

Answer:

AKO ANG INA NG AKING TULA

(I am the Mother of my Poems)

ni: Avon Adarna

Ang tula ay anak sa sinapupunan,

Di dapat angkinin ng gayun-gayon lang,

Kung ina'y agawan - sanggol sa kandungan,

Di ba't ilalaban kahit sa digmaan?

Kung karangalan ang pagtampisawan,

Ng kapwang uminog sa puso't isipan,

Bakit hindi naman bigyang karangalan,

Ang siyang may tunay' likhang kalagayan?

Kung karangalan man, gamitin ng iba

Ang paa't kamay ko pati kaluluwa,

Hindi ba nararapat na bigyang-halaga,

Ang may-ari nitong bahaging dakila?

Itong pagnanakaw sa pawis ng kapwa,

Ay tila pulitikong hindi nagtitika,

Ang ibig ay kabig na tila nga linta,

Tuloy ang sipsip kahit pigang-piga!

Ang pagmamahala'y magandang katwiran,

Ng mga nilalang na may kasalanan,

Hihingi lang ng awa at pag-iibigan

At balik sa gawi't nakaugalian.

Saan hahanapin itong katarungan,

Kung ibinabaon ng ilang nilalang?

Mauuwing bigo sa mundo ng kawalan,

Ang sikap at layon ng patas lumaban.

Ang nagsasabi ngang umibig ng lubos,

Ngunit hindi naman nakikita sa kilos,

Daig pa sa daan ang mga busabos,

Na hingi ng barya't kaunti pang limos.

Ibigay ang puri sa dapat purihan,

At sa nagkasala ay kapatawaran,

Ngunit dapat naman na maliwanagan,

At maipaalam, kanyang kamalian!

Explanation: