Gawain 3: Know Me Unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag at isulat kung anong layunin ng paggawa ito nabibilang 1. Ang paggawa ay isang obligasyon, isang tungkulin ng isang tao. Kailangang gumawa ang tao upang tumugon sa ninanais ng Diyos at sa mga pangangailangan na panatilihin at pagyamanin 0 paunlarin ang sangkatauhan. 2. Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit nito na nagkakaroon siya ng pagkakataon na makasama at makasalamuha ang kaniyang kapwa at ang mapaglingkuran ang mga ito. 3. Kailangan ng taong gumawa para mabuhay. Hindi maaring maging katulad siya ng isang parasite parasite na na laging iniaasa sa iba ang kaniyang ikabubuhay. 4. Nakalilikha ng tao ng mga teknolohiya, bunga ng kaniyang patuloy na pag-aaral sa pangangailangan ng tao, na nakapagpapadali at nakapagpapabilis sa kaniyang produksyon 5. Ang paggawa ay mayroong panlipunang aspekto at hindi kailangang ihiwalay ang pananagutan ng tao para sa pag-angat ng kultura at moralidad ng lipunang ating kinabibilangan