Makakuha ng mga payo ng eksperto at detalyadong mga sagot sa IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.

Gawain sa pagkatuto bilang 6: tunghayin ang mga sitwasyon sa ibaba. Tukuyin kung ang mga ito ay nakabatay sa Likas na Batas Moral o hindi. Pangatwiran ang iyong sagit. Isulat ito sa sagutang papel.

Sitwasyon A. Nagsara ang negosyo ng mga magulang ni Issa at naguli sila dahil sa COVID-19. Hindi tulad nang dati, wala ng kakayahan ang kaniyang ama at ina na maibigay ang kaniyang hinihingi. Nahihiya si Issa na malaman ito ng kaniyang mga kaibigan kaya pumunta siya sa kaniyang tiyuhin at naghiram ng pera Nangako siya na babayaran ito ng kaniyang tatay kahit lingid ito sa kaalaman ng ama. Tama ba ang ginawa niya? Kung ikaw si Issa, ano ang iyong gagawain?

Sitwasyon B. Itinuturing ni Gemma na tunay na kaibigan si Karen. Hindi alan ni Gemma na ikinukwento nito ang lahat ng kaniyang mga sekreto sa iba pa nilang mga kaibigan. Kung ikaw si Gemma, ano ang gagawain mo?

Sitwasyon C. Tinanggap ng nanay mo na si Aling Sita ang ayudang ibinigay ng baranggay kahit na regular na employado ng gobyerno ang iyong ama. Makatwiran ba ang ginawa ni Aling Sita? Ano ang sasabihin mo sa iyong nanay?​

Gawain Sa Pagkatuto Bilang 6 Tunghayin Ang Mga Sitwasyon Sa Ibaba Tukuyin Kung Ang Mga Ito Ay Nakabatay Sa Likas Na Batas Moral O Hindi Pangatwiran Ang Iyong Sa class=

Sagot :

Answer:

A.

Hindi ito likas na batas moral dahil hindi isina alang-alang ni Issa ang kabutihan at karunungan na dapat na taglay ng isang anak bagkus isinangkalan ni Issa ang kanyang ama para makahiram ng pera sa kanyang tiyuhin ng sa gayon ay  hindi siya mapahiya sa kanyang mga kaibigan. Hindi n’ya tanggap ang kanilang sitwasyon.

Ang isang mabuting anak ay hindi gagawin ang ginawa ni Issa, maging mapagkumbaba sa lahat ng oras, at tanggapin lamang kung ano ang kaya ng mga magulang.

Huwag ipilit ang mga bagay na hindi kayang ibigay. At kung ako si Issa, hindi ako hihingi ng mga bagay na hindi naman kailangan nang sa gayon ay matulungan ko ang aking mga magulang na makatipid sa pera dahil ang pera sa panahon ngayon ay mahirap kitain.

B.

Tatanungin ko ang aking kaibigan kung bakit niya nagawa iyon. Pagsasabihan ko rin siya na mali ang kaniyang ginawa sapagkat sekreto ko iyon at pinagkatiwalaan ko siya na gawin itong lihim ngunit ipinagkalat niya pala sa iba. Hindi narin ako muling sasabihin kay Karen ang aking sekreto at sa halip ay sasarilihin nalamang iyon.

C.

Oo dahil ito ay binigay ng kusa o bukal sa loob ng nagbigay upang maghatid ng tulong at hindi mabuting tanggihan ang biyayang kusang lumalapit galing mabubuti. Ang sasabihin ko sa aking nanay ay mag pasalamat sa ayudang natanggap.

Explanation: