Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

Ito po ang babasahin para po masagutan ang tanong ko​

Ito Po Ang Babasahin Para Po Masagutan Ang Tanong Ko class=

Sagot :

PAGTATALAKAY

Ang pang-uri (adjective) ay salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa panggalan o panghalip

MGA PAHAYAG SA PAGHAHAMBING AT IBA PANG KAANTASAN NG PANG-URI

1. Lantay - naglalarawan ng iisang panggalan o panghalip

Mga halimbawa:

  • Ang sapatos ni Jose ay malaki (ang salitang malaki ang naglalarawan sa sapatos)
  • Masigla ang naging pagdiriwang ng kanyang kaarawan. (ang salitang masigla ang naglalarawan sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan)

2. Pahambing - naghahambing o nagtutulad sa dalawang panggalan o panghalip

  • Pasahol o Palamang - paghahambing ng dalawang panggalan o panghalip na ang isa sa paghahambing ay nakalamang. Ginagamitan ito ng mga katagang higit, mas, lalo, lubha, di hamak, at iba pa.

Mga halimbawa:

  • Mas mabuti pa rin ang pagbabasa ng aklat kaysa pagbabad sa online games.
  • Higit na maganda ang mga kanta ngayon kaysa noon.
  • Patulad - nagsasaad na ang dalawang panggalan o panghalip ay may pantay o magkatulad na katangian. Ginagamit ito ng mga panlaping magsing-, magkasing-, kasing-, kapwa, pareho at iba pa.

Mga halimbawa:

  • Kapwa malumanay magsalita ang magkapatid.
  • Magsindami ang naani nilang prutas.

3. Pasukdol - nagpapahayag na sa pinaghahambing na dalawa o higit pang panggalan o panghalip ay may isang nagpapakita ng pinakamatinding katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping pinaka-, napaka, sakdal, sobra, saksakan, at iba pa.

  • Pinakamalinaw ang naging pahayag niya.
  • Napakalaking pinsala ng bagyong tumama ngayong taon kumpara sa nakaraang taon.

#BagongAralin

Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.