Magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
KAHULUGAN NG WIKA●Kasangkapan ng komunikasyon o pakikipagtalastasan●Tagapagdala ito ng mga ideya at naiimpluwensyahan nito ang ugali ng tao, ang isip at damdamin ●Nagbubuklod sa isang lipunan na may iisang kulturaPagpapakahulugan ng Wika Ayon sa mgaDalubhasa❖Espina at Borja (1999:1)oang wika ay isang mahalagang kasangkapan upang maipahayag ng tao ang kanyang damdamin at kaisipan. oAng kakayahan sa paggamit ng wika na nasasalig sa isipan, damdamin at kilos ng tao ay resulta ng isang dinamikong prosesong bunga ng kanyang karanasan.❖Carroll (1964)oay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan.oIto ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.❖Edward Sapiroang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.❖ToddoAng wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon. oAng wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi ito ay sinusulat din.oAng mga tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito ayon sa kanya, walang dalawang wikang magkapareho bagamat bawat isa ay may sariling set ng mga tuntunin.❖Archibald A. HilloAng wika raw ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao.oAng mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at pattern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istruktura. oAng mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitrayo at kontrolado ng lipunan.❖Dr. Jose Villa PanganibanoAng wika ay isang paraan ng pagpapahayag ng kuru-kuro at damdamin sa pamamagitan ng mga salita upang makipag-unawaan sa kapwa-tao.oIto ay binubuo ng mga salita, parirala, at pangungusap na may kahulugan.❖ConstantinooAng wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang instrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan. oAng wika ay kasangkapan ng pulitika at ekonomiya. Ang mabisang paggamit nito ang nagpapakilos ng tao at nagagawang manipulahin nito ang mali at tama sa lipunang ating kinabibilangan.❖WhiteheadoAng wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito. Bawat wika ay naglalaman ng kinaugaliang palagay ng lahing lumikha nito. Ito raw aysalamin ng lahi at kanyang katauhan.
Maraming salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.