IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw na mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
HALIMBAWA NGA SANAYSAY SA MATAAS AT MATIBAY NA EDUKASYON
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na Edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo na isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na Edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga unibersidad at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na Edukasyon, ang praktikal na Edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya paring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang Edukasyon kung ito ay may pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay na maayos. Ang Edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap na isang bansa. Kung wala ito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng Edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang Edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin. Ang unang layunin ng Edukasyon upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humubog sa isipan at damdamin at pakikipagsalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran. Ang Edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ay nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdaig at malaman ang mga layunin nito.
HALIMBAWA NGA SANAYSAY SA MATAAS AT MATIBAY NA EDUKASYON
://brainly.ph/question/10492246
#LETSSTUDY
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!