Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Basahin at unawain ang mga
sumusunod na sitwasyon. Isagawa at sagutin ang kasunod na mga
katanungan sa bawat bilang. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Ang 99 na mansanas ay pinaghatian ng 9 na batà. Iláng
mansanas mayroon ang bawat isang batà?
Gawain: Isalarawan ang 99 na mansanas gamit ang 99 na bilog.
Pagpangkat-pangkatin ito ayon sa hinihingi ng sitwasyon. Ilang
pangkat ang iyong nabuo gamkit ang mga bilog? Ibigay ang
division equation sa sitwasyon.
2. Kung may 72 na púnong itatanim sa 8 hanay. Iláng punò ang
maitatanim sa bawat hanay?
Gawain: Gumuhit ng 72 puno. Pagpangkat-pangkatin ito sa 8.
Ilang pangkat ng 8 ang iyong nabuo? Isulat ang division equation
sa sitwasyon.