Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.
Sagot :
Answer:
Sa isang maliit na bayan, nakatira ang mayamang pamilya ni (girl's name). Lahat ng utos niya ay nasusunod.Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya.Lahat-lahat. Kaya naman hindi siya sanay na may bagay siyang hindi nakukuha.Hindi niya makuha ang atensyon ni (boy's name). Kaya naman ginawa niya ang lahat upang mapansin siya nito at mapa-ibig sa kanya.
Determinado siyang makuha ang loob nito at walang makakapigil sa kanya. Lagi niya itong sinusundan kahit saan ito magpunta, ngunit sa panglimang pagsunod niyo rito ay nakita niyang kasama ni (boy's name) si ( another girl's name), ang babaeng kaagaw niya sa lahat. Magkahawak-kamay ang dalawa.
Nasaktan siya ng sobra, nagmukmuk siya sa kanyang kwarto ng ilang araw dahil sa nakita niyang yun. Kaya naman nakapagdesisyon siyang umalis muna at magpakalayo upang makalimutan niya ang nararamdaman niya para kay (boy's name).
Ngunit dahil sa pag-alis niyang yun ay nakilala niya si (another boy's name), ang lalaking muling nagpatibok ng kanyang puso, ang lalaking muling nagbigay ngiti sa kanyang mga labi , at ang lalaking nagpakita sa kanya na karapat-dapat siyang mahalin.
May mga bagay talaga sa mundong kahit gaano mo pa kagusto ay hindi mo makukuha. Mga bagay na hindi sadyang para sayo. Pag-ibig na hindi mo kayang hawakang mag-isa. Pag-ibig na kahit gaano mo pa kahigpit hawakan ay nakakawal. At mga taong kahit gaano mo pa kagusto ay hindi mapapasayo. Talagang mapaglaro ang tadhana. Ng kailangan mo lng gawin ay magtiis sa paghihintay dahil darating din ang nararapat sayo na mas higit pa sa inaasam mo.
Explanation:
Salamat sa iyong presensya. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.