Tuklasin ang mundo ng kaalaman at mga sagot mula sa komunidad sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

ay tinutugtog at Inaawit sa pagbubukas ng paaralan sa umaga. Ito ay unang
tinugtog noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite nang iproklama ang kasarinlan
ng Pilipinas.
Isinilang si Julian Felipe sa Lungsod ng Cavite, Cavite noong Enero 28.
1861. Bunso siya sa 12 anak nina Justo Felipe at Victoria Reyes. Sinasabing
maaring nakuha niya ang kanyang kakayahan sa musika sa kanyang amang
miyembro ng koro ng simbahan.
Noong Agosto 1896, naging sentro ng rebolusyon ang Cavite. Napiit sina
Julian Felipe at ilang Caviteño sa salang paglaban sa mga Espanyol. Ilan sa kanila
ay pinatay subalit pinalaya si Felipe pagkaraan ng ilang buwan. Nakilala ni Felipe
si Hen. Emilio Aguinaldo pagkalipas ng dalawang taon sa pamamagitan ng
pagpapakilala ni Hen. Mariano Trias sa isang sulat. Nalaman ni Aguinaldo na
isang musikero si Felipe kung kaya't inatasan niya itong lumikha ng martsa para
sa kanyang lupon ng kawal. Ginawa ni Felipe ang komposisyon sa loob ng anim
na araw. Masiglang tinugtog ito ni Felipe sa harap ng mga heneral sa himpilan ni
Aguinaldo. Naibigan nila ang komposisyon at ginawa nila itong pambansang
awit. Nang malaunan, nagpamahagi si Felipe ng kopya sa buong kapuluan ng
Pilipinas.
Halaw mula sa: Budyong 6
Gawain 1
1. Ano ang pamagat ng ating Pambansang Awit?
2. Kailan at saan unang tinugtog ang Pambansang Awit?
3. Sino ang lumikha sa musika ng ating Pambansang Awit?
4. Kailan idineklara ang kasarinlan ng Pilipinas?
5. Unang tinugtog ang pambansang awit ng Pilipinas dahil sa isang mahalagang
pangyayari sa ating bansa. Ano ito?
6. Saan at kailan isinilang si Julian Felipe?
7. Kailan naging sentro ng rebolusyon ang Cavite na kung saan ay nahuli at napiit
si Julian Felipe at iba pa?
8. Paano nagkakilala sina Julian Felipe at Hen. Emilio Aguinaldo?
9. Ilang araw bago natapos ang paggawa ni Julian Felipe sa komposisyon ng ating
Pambansang Awit?
10. Ano ang paksa ng sanaysay sa -
Unang talata?
Pangalawang talata?
Pangatlong talata?​

Sagot :

1. Lupang Hinirang

2. Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite

3. Julian Felipe

4. Hunyo 12, 1898

5. nang iproklama ang kasarinlan ng Pilipinas

6. Enero 28, 1861 sa Lungsod ng Cavite

7. Agosto 1896

8. Nakilala ni Felipe

si Hen. Emilio Aguinaldo pagkalipas ng dalawang taon sa pamamagitan ng

pagpapakilala ni Hen. Mariano Trias sa isang sulat.

9. anim na araw