Makakuha ng eksaktong at maaasahang sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

Gawain 5: Pagsusuri sa Akda Panuto: Sagutin ang mga kasunod na tanong sa inyong sagutang papel.

1. Sipiin ang ilang diyalogo sa akda na nagpakita ng masining na pagpapahayag. Nakatulong ba ito sa pagiging masining ng akda? Patunayan.

2. Bakit pinamagatang Aginaldo ng mga Mago ang akda?

3. Anong panahon kaya nangyari ang kuwento? Patunayan ang sagot sa pagtukoy ng mga bahaging katatagpuan nito.

4. Anong uri ng tunggalian ang nilikha ng may-akda sa kuwento?

5. Naging mapanghamon ba ang wakas ng kuwento? Patunayan.​

Gawain 5 Pagsusuri Sa Akda Panuto Sagutin Ang Mga Kasunod Na Tanong Sa Inyong Sagutang Papel 1 Sipiin Ang Ilang Diyalogo Sa Akda Na Nagpakita Ng Masining Na Pag class=

Sagot :

Answer:

Gawain 3: Pagsusuri sa Akda

1. Nakatulong ang ilang diyalogo sa akda na nagpakita ng masining na pagpapahayag sa pagiging masining ng akda sapagkat ang mga linyang ito ang pumukaw sa atensyon ko na mag-isip para maiugnay ko ang mga ito sa aking buhay na may kinalaman sa aking pagkatao.

2. Ang isang naging istorya ng dalawang mag-asawa sa isang apartment sa London na pareho namang isinakripisyo para sa isa’t isa, ang pinakamagandang yaman ng kanilang bahay ang pinakamatalino sa lahat kaya sila ang mga magi. Kaya naman ang akda ay pinamagatang Aguinaldo ng mga Mago.

3. Nangyari ang kwentong Aguinaldo ng mga Mago isang araw bago ang kapaskuhan. Si Della ay nagbenta ng kanyang buhok upang makabili ng kadena para sa lumang gintong relo ni Jim habang ibinenta naman ni Jim ang kanyang relo para sa mga magagarang suklay ni Della.

4. Ito ay ang tao laban sa sarili. Sa tingin ko, ang naging malaking suliranin ng mag-asawang sina Jim at Della ay ang kanilang kagustuhan na makapagbigay ng pinakamagandang regalo para sa isa’t isa sa araw ng Pasko at kapwa pareho nilang handang ibigay ang kanilang pinakainiingatan na bagay para lamang sa taong minamahal.

5. Hindi ito naging mapanghamon dahil nagwakas naman ang kuwento nang mahanapan nila ng solusyon ang kanilang mga problema kaya sa bandang dulo nito ay naibigay naman nila ang gusto ng isa’t isa kahit pa man hindi na nila magagamit ito. Sa dulo ng kuwento, si Della ay bumili ng kadena para sa kadena ng lumang gintong relo ni Jim kapalit ng kanyang magandang buhok habang isinanla naman ni Jim ang kanyang lumang gintong para maibili si Della ng mga magagarang suklay na magagamit niya sana para sa kanyang magandang buhok. Hindi man nila nagamit ang mga handog nila para sa isa’t isa ngunit sila ay parehong masaya sa kanilang aguinaldo na natanggap.

Explanation:

Sana po makatulong.