Punan ng angkop na mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy, at pagtapos ng isang kuwento ang mga linya mula sa akdang "Ang Pinagmulan ng Pangalang Siquijor".
(1)_______ dumating ang mga Espanyol sa ating bayan,ang mga naninirahan dito ay mga Negrito. Isa sa mga utusan ng Gobernador-Heneral ay saliksikin ng mga sundalo and buong kapuluan. (2)_______ isang pangkat ng sundalo ang napadpad sa Bisaya,sa isang pulo na maraming puno, baboy-damo,at malalaking bato.
(3)________ may nakita silang maitim at di katangkarang lalaki na biglang tumakbong palayo pagkakita sa mga sundalo. (4)_______ tinanong nila ang pangalan niya. Hindi sumagot ang lalaki. (5)________ hinabol sya ng mga sundalo na paulit-ulit na nagtatanong ng kanyang pangalan. (6)________ ang mga Espanyol ay nagsisigaw na "COMO SE ILAMA?"(Ano ang pangalan mo?) Mabilis na umakyat sa puno ang negrito dahil sa takot na maabutan. Muli ring humabol ang mga Espanyol na sundalo. (7)________ ayaw syang tigilan ng katatanong. (8)_________ sumigaw ang Negrito ng "Sikihod!"
Inulit-ulit ito ng mga sundalo. (9)________ ipinalagay na iyon na nga ang pangalan ng isla.