Sumali sa IDNStudy.com at simulang makuha ang maaasahang mga sagot. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.

Sanggunian Manunulat ang kaligirang kasaysayan ng sanaysay SLM Filipino 8, MELC (F8PD-11-9-25) : Erwin F. Deguiñon Ang Sanaysay Ang sanaysay ay isang paglalahad ng sariling opinyon o kuro-kuro ng sumusulat tungkol sa isang bagay o paksa. Ang salitang essay (sanaysay) hango sa salitang Pranses na essayer ibig sabihin "sumubok o tangkain". Nagsimulang yumabong sa mga sulatin si Michel de Montaigne (1533- 92) Ayon kay Alejandro Abadilla ang salitang sanaysay ay nangangahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Ito'y isang akdang pampanitikang nasa anyong paglalahad o tekstong pasalaysay. Ang pangunahing katangian ay ang pagkasarili nito ng may akda. Ipinahahayag niya ang sarili niyang pagmalas, kuro-kuro, at damdamin. Ang pagiging malinaw, mabisa, at kawili-wili ng paglalahad ay makakamtan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin ng kaisahan, kaugnayan, at diin. Kailangan din dito ang pagpili ng angkop na pananalita at sariling estilo o pamamaraan ng may akda. Bago pa man isilang si Kristo, ito ay nagsimula rin sa Asya sa pangunguna ni Confucius na sumulat ng Analects at Lao-Tzu na sumulat naman ng Tao Te Ching. Noong ika-14 na dantaon, nakilala si Yushida Kenko ng Hapon na may katha ng "Mga Sanaysay sa katamaran." Ang dalawang uri nito ay pormal at di-pormal. Sa pangkalahatan, may 12 natatanging uri ang sanaysay: pasalaysay, naglalarawan, mapag-isip o di-praktikal, mapagdili-dili, kritikal o mapanuri, didakto o nangangaral, nagpapaalala, editoryal, makasiyentipiko, sosyo-politikal, sanaysay na pangkalikasan, at sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan May tatlong bahagi ito, simula, gitna at wakas.



Panuto: Batay sa impormasyong ibinigay, sumulat ng Timeline na nagpapakita ng pag-unlad ng sanaysay at iba pang mahahalagang impormasyon. Gawing batayan sa pagsagot ang rubriks sa ibaba.

pa sagot po plsss bukas na kasi pasa​