TEKSTO 2
ang mag-ina.
Face Mask, Face Shield Ordinance, Aamyedahan
ni Noe B. Bebita
Ipinapanukala ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan na amyendahan
ang Face Mask, Face Shield Ordinance o bigyan ng kaukulang multa ang mga
tricycle drivers at mga pasahero na hindi tumutupad o sumusunod sa pagsuot
ng face mask at face shield.
Sa panayam kay SB member Ramil Bolina, Chairman ng Committee on
Transportation and Public Utilities sinabi nitong sa kabila ng kautusang mula
sa Department of Tranportation (DOTr) ukol sa No Face Mask and No Face
Shield, No Ride Policy sa mga pampublikong sasakyan, marami pa rin ang
lumalabag hindi sumusunod sa pagsuot ng face mask at face shield.
Ayon pa kay Bolina ang hindi pagsunod sa kautusan ng DOTr ang
dahilan upang ipatupad ng Sangguniang Bayan ang pagpapamulta sa mga
tricycle drivers at mga pasahero na mahuhuling hindi nagsusuot ng Face
Mask at Face shield.
Dagdag pa niya na pinag-aaralan ng konseho ang mga multa na
ipatutupad at ang pagbibigay ng hiwalay na multa sa mga tricycle drivers at
pasahero na lumabag sa ordinansa.
Naniniwala din si Bolina na malaki ang posibilidad na maiwasan ang
pagkalat ng virus kung magsusuot ng face mask at face shied ang mga
pasahero na sumasakay sa mga pampublikong sasakyan.
teksto 2:
ano ang paksa sa bawat tekstong binasa______________________
ano ang mahahalagang impormasyon o detalye o pangyayari sa bawat tekstong binasa_____________________________ .Todo Sp@m to pag nonsense